Ang relasyong malusog
Sa pag-ibig umiinog
Kahit sa problema'y mabugbog
Matatag - di mahuhulog.
Ngunit ang relasyong maysakit
Pag-ibig ay pinipilit
May mga sumisingit
Kasalana'y paulit-ulit.
Ang reslasyong naghihingalo
Mga diwa'y di na magtagpo
Dahil sa galit at tampo
Madilim na at malabo.
Ang relasyon namang patay
Pilit mang ibalik ang buhay
Tiwala'y di na mabigay
Nagdududa, nag-aaway!
Anong klaseng relasyon
Nabibilang ang sayo ngayon?
Meron pa kayang solusyon
Ang dito'y umaayon?
Anupa't mayroong lunas
Kung ang pag-ibig ay wagas
Umupo, magbulalas
Makinig, magbukas.
Ang pag-ibig na perpekto
Diyata't wala sa mundo
Ang mahalaga'y makontento
Magtapat at magpakatotoo.
Lagi nawang iisipin
Ano kaya ang pwedeng baguhin
Di sa mahal ko, kundi sa akin
At ano ang di na uulitin?
Kung tayo'y magpunpunyagi
At tumayong magkakampi
Anumang unos ang bumati
Pag-ibig di magagapi!
INSIGHTS TO LIVE BY
A Collection of Writings, Poems and Speeches of Harlan D. Busto
Tuesday, January 22, 2013
Ang Relasyon
Labels:
adultery,
concubinage,
engaged,
engagement,
faithfulness,
fidelity,
love,
lover,
marriage,
marry,
relation,
relationship,
romance,
romantic,
strong,
sweet,
true love,
unwavering,
wedding
Wednesday, November 23, 2011
Ang Pakialamera
Ang isang Pakialamera
Tumutunghay sa asenso ng iba
Umeepal, rumarampa
Pakubling tumitira!
Sumbong dito, sumbong doon...
Natutuwa kung may naibubulong
Di na baleng kapwa ay mabaon,
Basta meron siyang maisuplong!
Namumuna, namamansin
Pagdaka'y mamimintas din
Sa puwing ng iba tumitingin
At di sariling kuto ang tirisin!
O lupa, maari ba
Ang Pakialamera'y lamunin na
Sa trabaho, sa kumpanya
Ba't ba umaaligid sila?
'Di ba't kaytahimik sana
Kung pagtulong at pagkalinga
Ang siyang inaatupag
Kaysa paninira!
Pakialamera, O Pakialamera!
Tula ko nawa ay mabasa!
Tumutok sa sa sariling problema,
Pag-epal ay tantanan na!
---
"Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pakialaman ang sariling gawain, at magtrabaho kayo upang mabuhay tulad ng itinuro namin sa inyo." (I Thessalonians 4:11)
Tumutunghay sa asenso ng iba
Umeepal, rumarampa
Pakubling tumitira!
Sumbong dito, sumbong doon...
Natutuwa kung may naibubulong
Di na baleng kapwa ay mabaon,
Basta meron siyang maisuplong!
Namumuna, namamansin
Pagdaka'y mamimintas din
Sa puwing ng iba tumitingin
At di sariling kuto ang tirisin!
O lupa, maari ba
Ang Pakialamera'y lamunin na
Sa trabaho, sa kumpanya
Ba't ba umaaligid sila?
'Di ba't kaytahimik sana
Kung pagtulong at pagkalinga
Ang siyang inaatupag
Kaysa paninira!
Pakialamera, O Pakialamera!
Tula ko nawa ay mabasa!
Tumutok sa sa sariling problema,
Pag-epal ay tantanan na!
---
"Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pakialaman ang sariling gawain, at magtrabaho kayo upang mabuhay tulad ng itinuro namin sa inyo." (I Thessalonians 4:11)
Sunday, August 14, 2011
Ang Sipsip
Ang tao nga naman, kung gustong umangat,
Makasagasa man ng iba, gagawin ang lahat!
Sisipsip, bibilog, tatango, kikindat…
Makamit lang ang pagtaas, o kaya’y pagsikat!
May kilala ka bang ang diskarte’y bulok?
Ibabandila ang pangalan sa lahat ng sulok!
Kunwa’y hihimasin ang amo sa batok,
Nguni’t sa loob, nais lang na maluklok!
Kahit labag na sa kanyang kalooban,
Sasang-ayon na lamang, di lang maputukan!
Oo dito, oo doon – yan ang kanyang panlaban
Upang ang amo, siya ay hangaan!
Di ba’t ang ganire’y sadyang kawawa
Kanyang mga kaibigan, lahat ay mawawala!
Darating ang panahon, siya ay mabubulaga:
Kaylungkot pala sa tuktok kung iniwan naman ng iba…
(Harlan D. Busto)
Makasagasa man ng iba, gagawin ang lahat!
Sisipsip, bibilog, tatango, kikindat…
Makamit lang ang pagtaas, o kaya’y pagsikat!
May kilala ka bang ang diskarte’y bulok?
Ibabandila ang pangalan sa lahat ng sulok!
Kunwa’y hihimasin ang amo sa batok,
Nguni’t sa loob, nais lang na maluklok!
Kahit labag na sa kanyang kalooban,
Sasang-ayon na lamang, di lang maputukan!
Oo dito, oo doon – yan ang kanyang panlaban
Upang ang amo, siya ay hangaan!
Di ba’t ang ganire’y sadyang kawawa
Kanyang mga kaibigan, lahat ay mawawala!
Darating ang panahon, siya ay mabubulaga:
Kaylungkot pala sa tuktok kung iniwan naman ng iba…
(Harlan D. Busto)
Subscribe to:
Posts (Atom)